Isang pagpupulong sa pagitan ng mga mangingisda at BFAR, pinasinayaan sa Legazpi

Legazpi, Albay – Pinagunahan ng mga mangingisada at lokal na pamahalaan, ganun din ng BFAR (Bureau of Fisheries and Aquatic Resources) ang naturang pagpupulong na may pamagat na “Dagat Ko, Yaman Ko.”

Ang naturang pagpupulong ay pormal na ikinasa sa isang hotel sa Legazpi City.

Kasama rin dito ang mga alkalde sa lalawigan ng Sorsogon, bahagi ng Samar area at ang BFAR ng region-8 kung saan ay pormal na pinuntahan ng direktor ng tanggapan.


Layunin nito ang palakasin ang mga programa para sa mga hanapbuhay mula sa yamang-dagat sa tulong na rin ng mga lokal na pamahalaan at gabay ng BFAR sa kanilang pang araw-araw na hanap-buhay.
DZXL558

Facebook Comments