Isang Pamilyang Dumagat, Natulungan sa Libreng Pabahay ng 2nd IPMFC

Cauayan City, Isabela- Isang pamilyang Dumagat mula sa Brgy Digumased, Dinapigue Isabela ang natulungan nanaman sa libreng pabahay project ng kapulisan sa Lambak ng Cagayan.

Sa tulong ng mga PNP personnel ng 2nd Isabela Provincial Mobile Force Company (IPMFC) ng Isabela Police Provincial Office (IPPO), napatayuan ng bagong bahay ang pamilyang Maximo at Cherlene Leal.

Ayon sa natulungang magkasintahan, hindi na nila kailangang lumipat ng mga anak sa evacuation center sa tuwing may malakas na ulan at bagyo dahil mayroon na silang matibay na tirahan.


Emosyonal din na nagpasalamat si Cherlene sa pagpili sa kanila ng PNP na sila ang karapat-dapat na mapatayuan ng bahay.

Bukod sa bagong tirahan na ipinagkaloob ng 2nd IPMFC, binigyan din ang mga ito ng mga groceries, gamit pang kusina at mga damit at gamit pambata.

Pormal na ipinagkaloob ang bagong tayong bahay sa pamilyang Dumagat nitong ika-20 ng Nobyembre taong kasalukuyan.

Facebook Comments