ISANG PANGASINENSE, HINANGAAN SA ARTWORK NITONG GAWA SA MGA PAPEL NA PINAGBUTASAN NG PUNCHER

Kinabiliban ng netizens ang isang Pangasinenseng tubong San Quintin na si Jerika Ellen Bueno Decano na gawa nitong obra sa pamamagitan ng maliit na papel na pinagbutasan ng puncher.
Nagviral kamakailan ang post ni Decano, matapos niyang gawan ng portrait ang isang Tiktok influencer na si Esnyr, na lubos siyang hinangaan at pinagpasalamatan.
Si Decano ay mahigit anim na taon ng artist, at ang kanyang kadalasan ginagamit na medium sa kanyang mga obra, ay ang mga pira pirasong papel o recycled material.

Samantala, isang graduate ng Bachelor of Secondary Education major in Mathematics si Decano at ang art ang nagsisilbi niyang stress reliever sa pagre-review sa kanyang nalalapit na board exam sa Marso. |ifmnews
Facebook Comments