ISA NANAMANG NATAGPUANG KUWAGO SA BAYAMBANG, ISINURRENDER SA LGU

Isa nanamang kuwago ang natagpuan ng isang residente sa Brgy. Buayaen, Bayambang sa harap mismo ng kanilang bahay.
Napansin nito ang kuwago bandang alas nwebe sa harapan ng kanilang bahay at napansin na hindi ito makalipad ng maayos.
Kaya naman agad nila itong kinuha at nagpasama sa mga traffic enforcer ng Bayambang Public Safety Office para isurrender ang natagpuang kuwago sa LGU.

Dinala naman sa himpilan ng PNP ang kuwago at nakatakdang isangguni sa MENRO para naman dalhin sa pinakamalapit na tanggapan ng DENR. |ifmnews
Facebook Comments