Isang pasahero, binawian ng buhay habang nasa himpapawid sakay ng Philippine Airlines

2092

Isang senior citizen na pasahero ang binawian ng buhay bago pa man lumapag sa NAIA ang Philippine Airlines flight PR 117 na sinasakyan nito.

 

Ideneklarang dead while on board ang 63 yrs old na babaeng pasahero na sinasabing may breast cancer with kidney and bone metastasis.


 

Ayon sa crew ng PAL, mahina na ang pasahero nang sumakay ito ng eroplano.

 

Ang labi ng hindi pinangalanan na pasahero ay dinala na sa Romy Funeral Service at inabisuhan na rin ng Manila International Airport Authority ang kanyang pamilya.

Facebook Comments

From Advertisers