PANOORIN: Pulis, sinagip ang matandang babaeng nalulunod sa Pasig River

1365
Photo from Jose Comandante Jr.'s video

Isang pulis ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) ang nagligtas ng matandang babae na nalulunod sa Pasig River nitong Lunes.

Ayon sa Manila Police District (MPD), nagmamando ng trapiko sina PCpl. Romeo Balagtas Jr. at Pat. Lester Magno sa Plaza Santa Cruz, nang may nakapagsabing mayroon daw matandang nadulas sa MacArthur Bridge at nahulog sa Pasig River.


Agad rumesponde ang dalawang pulis at naabutan ang matanda na nakakapit na lamang sa makapal na water lily.

Lumusong sa ilog si Balagtas at pinakapit ang matanda sa kanyang likuran.

Habang ang ibang pulis naman ay naghulog ng hagdan na inakyatan pabalik ng matanda at ni Balagtas.

Ibinahagi ang kuha ni Jose Comandante Jr. ng pangyayari sa Facebook page ng MPD.

Pinasalamatan din ng MPD ang Tactical Motorcycle Riders Units (TMRU) ng Binondo sa pagtulong sa insidente.




Facebook Comments