Isang pasahero, binugbog ng empleyado ng LRT sa Pasay City

Pasay – Dumulog sa himpilan ng pulisya ang isang pasahero matapos umanong bugbugin ng isang empleyado ng LRT Line 1 sa Pasay City.

Nakilala ang biktima na si Venner Santiago, 36-anyos, at residente ng P. Baldomero St. Malanday, Valenzuela City.

Agad namang naaresto ang 45-anyos na suspek na si Gilbert Dalao, teller ng LRT Edsa Station, at residente ng Brgy. 32, lungsod ng Pasay.


Nabatid na bumibili umano ng ticket si Santiago nang mamagitan sa kanilang dalawa ni Dalao ang mainitang pagtatalo.

Kasunod nito, nagsuntukan ang dalawa na naging dahilan upang magtamo ng mga sugat sa mukha ang biktima.

Mabilis namang rumesponde ang isang PO1 Ringo Sapalit na nagkataong nasa lugar kaya’t naaresto si Dalao.

Nahaharap sa kasong physical Injuries ang ang empleyado ng LRT.

Facebook Comments