Isang pasahero mula United Kingdom, positibo sa COVID-19 – Duque

Inanunisyo ni Health Secretary Francisco Duque III na isa sa 79 na pasahero na dumating sa bansa mula sa United Kingdom (UK) ang nagpositibo sa COVID-19.

Sa pulong ng Inter Agency Task Force (IATF), sinabi ni Duque na sa 59 resultang lumabas noong Biyernes ay 53 dito ang negatibo habang 23 ang wala pang resulta.

Paglilinaw naman ni Duque, hindi pa tiyak kung ang nasabing kumpirmadong kaso ay ang bagong variant ng COVID-19 na unang nadetect sa UK.


Ayon pa kay Duque, wala pang patunay na mas matindi ang posibleng dulot ng bagong strain ng COVID-19 at pinag-aaralan pa kung may maaapektuhan nito ang pagtalab ng mga nalilikhang COVID-19 vaccines.

Sa ngayon, kinukumpleto na aniya ng mga pasaherong dumating mula UK ang mandatory 14 day quarantine sa New Clark City sa Tarlac.

Facebook Comments