Isang pasahero nahulihan ng granada sa NAIA

227

Isang pasahero ang nahulihan ng isang granada sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Kinilala ni Police Lt. Col. Erwin Emelo, hepe ng NAIA Terminal 2 police station ang suspek na si Deogracias Pulmano.


Sa inisyal na imbestigasyon, 5:30 kahapon nasa initial screening inspection sa Terminal 2, Southwing Departure area si Pulmano nang matuklasan ang isang MK2 fragmentation sa loob ng kanyang backpack.

Patungo sana ang suspek sa Davao lulan ng Flight PR 2819.

Walang maipakita si Pulmano na kaukulang dokumento ng hanapan ng mga awtoridad.

Sa ngayon nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9156 o Illegal Possession of Explosive ang suspek habang siya ay nasa kustodiya ng PNP Aviation Security Group sa Terminal 2.




Facebook Comments