Isang piloto ng Philippine Air Force, patay matapos bumagsak ang sinasakyang attack helicopter sa Bohol

UPDATE

Patay ang isang piloto ng Philippine Air Force (PAF) habang nakaligtas ang tatlo pa matapos bumagsak ang kanilang sinasakyang attack helicopter sa baybayin ng Getafe, Bohol.

Ito ang kinumpirma ni Air Force Spokesperson Lt.Col. Maynard Mariano, aniya nangyari ng aksidente dakong ala-9:30 kaninang umaga.

Galing sa Benito Ebuen Air Base sa Mactan, Cebu ang MD520MG attack helicopter para sa isang maintenance flight nang bumagsak ito.


Sa ngayon, hindi pa mailahad ng Air Force ang pangalan ng nasawi at maging ng mga nakaligtas sa aksidente dahil hindi pa naipapaalam sa kanilang mga pamilya.

Facebook Comments