Nadakip ng mga kawani ng Northern Samar Police Provincial Office at 803rd Infantry Brigade ang isang pinaghihinalaang ranking official ng New People’s Army (NPA) sa kanilang operasyon sa Northern Samar kamakalawa.
Kinilala ang naaresto na si Alias ‘Megan’, 65-taong gulang.
Ayon kay Northern Samar Police Provincial Director, Col. Alfredo Tadefa, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa ilang concern citizens sa bayan Lavezares patungkol sa presensya ng naturang suspek.
Siya ay mahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at RA 9516 o ang Illegal/Unlawful Possession, Manufacture, Dealing in, Acquisition or Disposition of Firearms, Ammunition or Explosives.
Facebook Comments