Dalawang magkasunod na sunog, sumiklab sa Cebu

Sumiklab ang dalawang magkasunod na insidente ng sunog sa isang bus stop sa bayan ng Carmen at sa isang bahay sa lungsod naman ng Talisay pareho sa Cebu.

Ang unang sunog ay naitala sa bayan ng Carmen kung saan nasunog ang isang bus station dahilan para masira ang 800,000 pisong halaga ng ari-arian.

Inabot ng dalawang oras bago maapula ang sunog sa lugar.


Makalipas naman ang limang oras ay sumiklab naman ang sunog sa isang two-story residential house sa Talisay City kung saan nakapagtala naman ng 370,000 pisong halaga ng danyos.

Mabilis namang naapula ang sunog na nagsimula sa ikalawang palapag ng bahay na tumagal lamang ng 25 minuto.

Iniimbestigahan naman ng mga otoridad ang naging mitsa ng dalawang magkahiwalay na insidente ng sunog.

Facebook Comments