Isang Pinoy crew, nasawi rin sa banggaan ng dalawang barko sa Corregidor Island

Sa 20 crew ng MV Hong Hai 189 na nakabanggaan ng Marshall Island-flagged ship MT Petite Soeur, 16 ang Chinese crew at apat naman ang Pilipino.

Na-rescue ang apat na Pilipino, pero binawian ng buhay ang isa sa kanila at ito ay ang safety officer ng barko.

Ang Filipino casualty ay kasama rin sa 16 na na-rescue mula sa MV Hong Hai 189.


Bukod sa Pinoy crew, isa ring Chinese crew ang namatay sa insidente.

Facebook Comments