Manila, Philippines – Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs na isang kababayan natin ang nasawi sa nagpapatuloy na wildfire sa North California.
Ayon kay Deputy Consul General Jaime Ramon Ascalon, narekober ang mga labi ng hindi na pinangalanang Filipino noong Oct .14 sa Napa county.
Sinabi pa nito na nakikipag ugnayan na sila ngayon sa pamilya ng biktima para sa anumang ayuda na kanilang maaaring maipagkaloob kabilang na dito ang posibleng repatriation sa mga labi nito.
Tuloy din aniya ang komunikasyon nila sa mga Pinoy sa nabanggit na bansa saka-sakali mang mangailangan ang mga ito ng tulong
Sa datos ng DFA mayruong 13,500 Filipinos ang naninirahan at nagttrabaho sa Napa, Sonoma, at Yuba counties na pinaka apektado ng naturang wildfire habang mayruon namang 4,200 Filipinos ang naninirahan sa kalapit na Lake Marin at Mendocino.
Sa pinakahuling report tinatayang nasa 100,000 mga residente ang inilikas bunsod ng wildfire habang 5,700 straktura ang nasira at 40 na ang mga nasawi sa nagpapatuloy na wildfire na tumupok na sa mahigit 86,000 ektaryang kagubatan.