Pangulong Duterte, posibleng bumisitang muli sa Marawi City

Manila, Philippines – Nag-aabang pa ng kumpirmasyon kung pupunta ng Marawi City si Pangulong Rodrigo Duterte para batiin ang mga sundalo doon matapos mapatay kahapon ang mga terrorist leaders na sina Omar Maute at Isnilon Hapilon.
Base sa impormasyong mula sa Marawi City ay mayroon umangong ginagawang paghahanda dahil sa nakatakdang pagbisita ng Pangulo at ito din ang sinabi ni Taskforce Ranao Spokesperson Zia Alonto Adiong.
Pero ayon naman sa Presidential Communications Office ay walang impormasyon kung pupunta nga ang Pangulo sa Marawi City.
Pero matatandaan na mamayang hapon ay nakatakdang pangunahan ni pangulong Duterte ang Federalism Summit sa Camarines Sur at ang Oath-thakng ng PDP laban.

Facebook Comments