Isang Pinoy seamen, patay sa nasunog na tanker sa Indian Ocean

Patay ang isa sa 18 Pinoy crewman matapos masunog ang sinasakyang supertanker sa Indian Ocean.

Nasunog ang New Diamond Tanker habang naglalayag ito sa Indian Ocean mula sa Kuwait habang may bitbit na 2-milyong bariles ng langis.

Sa ngayon ay patuloy pang inaalam ng mga otoridad ang naging sanhi ng sunog na pinaniniwalaang nagsimula sa engine room ng barko.


Bukod sa mga Pilipino ay nasa barko rin ang 5 Greek crewmen.

Facebook Comments