Isang Pinoy, sugatan sa bus accident sa Thailand

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs na sugatan ang isa nating kababayan sa nangyaring bus accident sa Thailand nuong Lunes

Ayon kay Ambassador to Thailand Mary Jo Bernardo-Aragon, nagtamo ng minor injuries ang nasabing pinoy at agad ding pinalabas ng ospital matapos bigyan ng atensyong medical.

Nangyari ang aksidente habang binabagtas ng naturang bus ang highway sa Chumphon province sa Southern Thailand.


Lulan ng bus ang 23 Pinoy.

Matapos bigyan ng clearance ng doctor, agad bmyahe ang grupo ng mga Pinoy patungong Phuket.

Facebook Comments