Isang pintor, arestado sa buy bust operation sa QC

37
Manila, Philippines – Arestado ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit sa pangunguna ni P/Chief Inspector Erwin Guevarra ang isang pintor matapos na magsagawa ng buy bust operation sa kahabaan ng Edsa kanto Roosevelt Brgy Katipunan QC.
 
Kinilala ang suspek na si Rolly Quejaro 36 anyos ng 19 Sitio Pajo Street  Brgy. Baesa.QC.
 
Batay sa imbestigasyon ng pulisya nagsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit sa pangunguna ni P/Chief Inspector  Erwin  Guevarra na nagresulta ng pagkaaresto kay Quejaro.
 
Narekober sa suspek ang tatlong sachet ng shabu, at 36 libong pisong cash.
 
Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isasampang kaso laban kay Quejaro.


Facebook Comments