3 katao na nasawi matapos pagbabarilin, nakilala na ng QCPD

Manila, Philippines – Nakilala na ng QCPD ang tatlong kataong nasawi matapos pagbabarilin sa loob ng isang bahay sa Commonwealth Ave., Barangay Old Balara, Quezon City kanina.
 
Ayon kay QCPD Dist.Dir. Chief Supt Guillermo Eleazar may mga tama ng bala sa ulo ang tinamo ng mga biktimang sina Robert Mago, isang alyas Anabelle at isang alyas Roy.
 
Ayon sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya tatlong mga suspek na nakasuot ng bonnet ang pumasok sa nasabing bahay na sinasabing pugad ng video karera.
 
Mayat mayay ilang minuto lamang ang nakalipas ay  nakarinig na lamang ang mga residente  sa lugar ng sunod-sunod na putok ng baril at mabilis namang tumakas ang mga suspek ng mga motorsiklo.
 
Patuloy pa rin inaalam ng  QCPD kung may kaugnayan sa ilegal na droga ang motibo ng  pagpatay sa tatlong katao.

Facebook Comments