Isang Pintor sa Jones, Isabela, Huli sa kasong paglabag sa RA 10591!

Jones, Isabela – Arestado ang isang pintor dakong alas nuebe kaninang umaga matapos masamsaman ng baril sa isinagawang Comelec Checkpoint ng mga otoridad sa Brgy. 1, Jones, Isabela

Kinilala ang nahuli na si Fernando Infante Dela Cruz, 46 anyos, may asawa, at residente ng Brgy. Dibuluan, Jones, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, habang isinasagawa ng PNP Jones ang Comelec checkpoint ay nakumpiska mula kay Dela Cruz ang isang caliber 45 na baril.


Dinala na sa PNP Jones si Dela Cruz kasama ang nakumpiskang baril para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments