Isang pulis, nagpositibo sa random drug testing ng NCRPO

Kinumpirma ng National Capital Region Police Office (NRCPO) na may isang pulis ang nagpositibo sa ilegal na droga matapos isagawa ang random drug testing noong May 28, 2020.

Ayon kay NCRPO Chief Major General Debold Sinas, ang nasabing pulis ay mula sa Police Station 4 ng Quezon City Police District (QCPD).

Aniya, mula sa 70 na police personnel na nagsumite ng urine sample, lumabas na ang kay Police Staff Sergeant Arthur Santos II ay positibo sa methamphetamine hydrochloride o shabu.


Ganoon din aniya ang resulta na lumabas sa ginawang confirmatory test sa parehong urine sample ni Santos.

Dahil dito, agad na pinag-utos ni Sinas sa QCPD Director na disarmahan si Santos habang nahaharap ito sa administrative case.

Iginiit din ni Sinas na magpapatuloy ang kanilang gagawing random drug testing sa buong NCR police upang malaman kung sino ang mga gumagamit ng ilegal na droga, kasama na ang mga pulis na maaaring sangkot sa mga illegal drug transportation.

Facebook Comments