North Cotabato – Walang kinalaman sa Jolo twin bombing ang panibagong insidente ng pagpapasabog sa Magpet, North Cotabato kagabi.
Sabi ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde – New People’s Army (NPA) ang pangunahing suspek sa pagpapasabog sa North Cotabato.
Sa inisyal na ulat, nagpapatrolya ang mga pulis sa bahagi ng Barangay Poblacion nang biglang sumabog ang isang landmine sa gilid ng kalsada.
Nasawi sa insidente si PO1 Christopher Andon habang sugatan ang tatlo pa niyang kasamahan.
Tiniyak naman ng Cotabato Police Provincial Office na hindi makakaapekto sa gaganaping plebesito sa February 6 ang nangyaring pagsabog.
Facebook Comments