Isang pulis, patay sa pamamaril sa Maynila

162

Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang motibo sa pagpatay sa isang pulis sa may bahagi ng Arellano Avenue, Malate, Maynila.

Kinilala ni Manila Police District (MPD) Station 9 si Commander Lieutenant Colonel Samuel Pabonita ang biktima na si Police Staff Sergeant Roel Orihuela.


Sa imbestigasyon, nanonood sa isang restaurant si Orihuela nang pagbababarilin ng dalawang hindi nakikilalang suspek.

Mabilis na tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklong walang plaka matapos ang pamamaril.

Naisugod pa sa ospital ng Maynila ang biktima pero binawian din ito ng buhay.

Ayon naman kay Pabonita, kauuwi lang ni Orihuela sa Maynila galing Mindanao kung saan siya nadestino matapos mag-report sa Camp Crame.

Kaya’t hindi nila malaman ang dahilan kung bakit ito pinatay habang sinisislip naman ang mga CCTV sa lugar para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek.




Facebook Comments