Isang pulis sa Jaro, Iloilo na nagpapahayag ng salita ng Diyos sa mga bilanggo, pinuri ni PNP Chief Eleazar

Saludo si Philippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Eleazar sa isang pulis sa Jaro, Iloilo dahil sa ipinakita nitong kabutihan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Bible studies at community pantry sa harap ng kaniyang araw-araw na tungkulin.

Ayon kay PNP chief, maliban sa pagsasagawa ng Bible study sa mga bilanggo ng Jaro District, Iloilo City Police Station 3, namimigay pa ng pagkain at face shield si Police Executive Master Sergeant Cesar Pinuela.

Nagbabahay-bahay rin si Pinuela sa mga kapatid na Muslim upang magpasalamat sa kanilang suporta sa kampanya ng local police sa paglaban sa kriminalidad.


Sinabi ni Eleazar na “Ngayong panahon ng pandemya, mas kailangan ang mga pulis na gaya ni Pinuela na hindi nauubusan ng paraan para maipagpatuloy ang pagtulong sa kapwa.”

Hinikayat naman ni Eleazar ang mga pulis na tularan ang ginagawa ni Pinuela, na isang pulis na madaling lapitan at pagkatiwalaan ngayong panahon ng pangangailangan dahil sa COVID-19 pandemic.

Facebook Comments