“This is 36” birthday post ni Camille Prats, inulan ng komento ng mga netizens

Inulan ng komento ng mga netizens ang birthday post ng aktres na si Camille Prats matapos itong magdiriwang ng kaniyang kaarawan.

Sa Instagram post kasi ng aktres, ibinahagi nito ang isang larawan na ipinapakita ang kaniyang “healthiest” self na kitang-kita ang pagiging blooming at hindi halata na tatlo na ang kaniyang anak.

Suot ni Camille ang isang bare-back white dress na may caption pa na “This is 36”.


Binaha naman ng komento ang post kung saan mayroon nang 2,100 comments na nagpapakita kung ano nga ba ang this-is-me-at-this-age look ng mga netizens.

Karamihan sa mga ito ay mga mommies na ipinapakitang ‘age is just a number’ kung saan nasa 50s at 60s pa ang iba.

Ilang celebrities naman ang bumati kay Camille tulad nina Anne Curtis, Heart Evangelista, Iza Calzado, Julie Anne San Jose at Carla Abellana.

Facebook Comments