Isang punerarya, ipinasara ng lokal na pamahalaan ng Maynila

Screenshot from Jhun Ibay Facebook live

Ipinasara ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang isang funeral parlor sa Tondo dahil sa paglabag nito sa mga ipinapatupad na ordinansa sa lungsod.

Inatasan ng Bureau of Permits and License Division ang Manila Police District (MPD) Station 1 na ipasara ang Eliseum Memorial Chapels sa Gagalangin, Tondo.

Napag-alaman na ito na ang ikalawang beses na pinadalhan ng closure order ang nasabing punerarya kung saam ang una ay noong December 2022.


Pero binalewala ng hindi na pinangalanang may-ari ang ibinahang utos ng Manila Local Government Unit at nagpatuloy ito sa kanilang operasyon.

Kaugnay niyan, mahaharap sa patong-patong na kaso ang may-ari ng punerarya at posibleng tuluyan na itong ipasara.

Nabatid na ang nasabing punerarya ay labag sa ilang mga sanitary regulations at ilang beses na rin itong inireklamo ng mga kalapit na establisyimento gayunsin ng mga residente.

Facebook Comments