
Nananatili pa rin sa kustodiya ng Manila Police District (MPD) ang isang beteranong radio reporter matapos iulat ang naging kaso noon na act of lasciviousness ng isang konsehal ng Maynila.
Ang nasabing radio reporter ay kinilalang si Boy Gonzales Jr. na inaresto sa harap ng Department of Justice (DOJ) makaraang ireklamo ni Manila Councilor Rosalino “Jhun” Ibay Jr. ng paglabag sa Data Privact Act.
Nag-ugat ang insidente ng ibalita at maipost sa social media ang warrant ni Ibay na mula Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 4 hinggil sa umano’y lascivious conduct sa isang 17-anyos na menor de edad noon pang Septembet 2025 na may kaukulang piyansa na P400,000.00.
Naalarma naman ang pamunuan ng National Press Club (NPC) sa nasabing insidente lalo na’t may epekto ito sa usapin ng press freedom at kakayahan ng media sa paglalabas ng impormasyon sa ganitong kaso.
Nagtakda naman ang korte ng piyansang P18,000 para sa kaso ni Gonzales.
Samantala, nakatakdang maglabas ng desisyon ang tanggapan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. kung sususpendihin nito si Manila Councilor Ryan Ponce na nahaharap sa kasong sexual harassment na isinampa ng kapwa nitong konsehal.
Matatandaang kinasuhan ni Manila Councilor Eunice Castro si Ponce dahil sa paglabag sa Safe Spaces Act (RA 11313) sa ilalim ng gender-based online sexual harassment at gender-based sexual harassment in workplace, gayundin ang acts of lasciviousness, kaugnay ng umano’y mga mensahe at kilos na una na niyang ibinunyag.










