Isang recruitment agency, ipinasara ng DMW

Courtesy: Philippine News Agency

Ipinasara ng Department of Migrant Workers (DMW) ang isang travel consultancy agency sa Pasong Tamo sa Quezon City dahil iligal na nagre-recruit ng mga gustong magtrabaho sa Malta at Poland.

Pinangunahan mismo ni Migrant Workers Secretary Susan Ople ang operasyon laban sa OVM Visa Assistance and Travel Consultancy.

Ayon kay Ople, batay sa kanilang mga datos, hindi accredited ang OVM Visa Assistance and Travel Consultancy.


Nag-ugat ang operasyon sa reklamo ng isang aplikante na umano’y nagbayad ng P400,000 kapalit ng trabaho sa isang hotel sa Poland.

Subalit umabot na ng ilang buwan ay hindi pa nakakaalis ang biktima na naging dahilan para siya ay lumapit sa DMW.

Facebook Comments