COMELEC, magsisimula nang tumanggap sa Lunes ng mga aplikasyon para sa gun ban exemptions

Simula sa Lunes, June 5 ay tatanggap na ang Commission on Elections (COMELEC) ng mga aplikasyon sa gun ban exemptions.

Kaugnay ito ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa darating na October.

Ayon kay COMELEC Commissioner Aimee Ferolino, mas maaga ngayon ang kanilang pagtanggap ng aplikasyon para sa gun ban exemptions.


Tiniyak naman ng COMELEC na bagama’t may ilang political violence, wala naman aniyang nakikita ang poll body na pagtaas ng aplikasyon para sa gun ban exemption.

Nangangahulugan aniya ito na walang mga nagaganap ngayon na karahasan na may kinalaman sa nalalapit na halalan.

Facebook Comments