Kinondena ng Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan ang pagpatay kay Umingan Councilor Ponciano Onia.
Sa sesyon noong lunes, nanawagan si Pangasinan Vice Governor Mark Lambino sa pulisya na pabilisin ang pagresolba sa kaso upang mapanagot ang mga responsable sa krimen.
Inilarawan ni Lambino ang kabutihang loob ng pinaslang na konsehal sa pagbibigay serbisyo publiko.
Dahil dito, inihain ni Philippine Councilors League President, Pangasinan Chapter, Carolyn Sison kasama ang lahat ng miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ang isang resolusyon na nagkokondena sa pagpatay sa konsehal.
Nagpapatuloy ang paggulong ng kaso matapos buoin ang SITG Onia ng PANGPPO. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments