Isang restaurant sa Quezon City, nasunog

Manila, Philippines – Inaalam na ngayon ng Bureau Of Fire Protection ang dahilan ng nangyaring sunog sa isang restaurant sa Quezon City.
Alas-10:20 kagabi ng magsimula ang apoy sa isang kwarto ng ika-apat na palapag ng Elar’s Lechon restaurant sa may bahagi ng Quezon Avenue kanto ng speaker pers sa Sta. Mesa Heights.
Agad na inakyat sa ikalawang alarma ang sunog at tuluyang naapula pagkalipas ng isang oras.
Nabatid na pawang mga telang ginagami sa catering services ang naka-imbak sa nasabing kwarto kung saan wala naman naitalang nasugatan sa insidente.

Facebook Comments