Japan – Isang kumpaniya ang naka-imbento ngayon ng cute na cute na robot na may kakaibang program.
Si Hana-Chan, na inilabas ng Nexttechnology sa pakikipagtulungan sa National Institute of Technology sa Kitakyushu College kung saan kaya nitong i-detect kapag mabaho ang iyong paa.
Mayroong powerful sensor si Hana-Chan na naka-pwesto sa kaniyang ilong at kapag na-amoy niya na mabango ang iyong paa, gagalaw na ang buntot nito parang totoong aso at kakahol pa na parang natutuwa.
Pero kapag mabaho naman, bigla na lamang babagsak si Hana-Chan na parang hinimatay at hindi muna gagalaw ng ilang minute.
Ang 15 centimeters na canine robot ay naisipang ng mga researchers ng Nexttechnology matapos lumapit sa kanila ang isang lalaki na nais malaman kung mabaho ang kanilang paa.