Alitan sa lupa, nakikitang motibo sa pamamaril sa isang ginang sa Urdaneta, Pangasinan

Urdaneta City, Pangasinan – Alitan sa lupa ang nakikitang motibo ng pulisya hinggil sa pamamaril sa isang ginang sa Urdaneta City, Pangasinan.

May tama ng bala sa ulo ang biktimang si Evangeline Macasieb, 58 anyos, na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Sa ulat, kumakain sa kantina ang biktima nang lapitan ng hindi nakikilalang suspek at malapitang binaril ng dalawang beses.


Pinaniniwalaang pinagplanuhan ang pagpatay sa biktima dahil sa dami ng mga taong kumakain ay alam nila kung sino ang target.

Napag-alaman na pinatay na rin ang ibang kapatid ng biktima dahil sa away sa lupa.

Facebook Comments