Isang Senador, handa na pabuksan muli ang imbestigasyon sa Pharmally controversy

Handa si Senator Risa Hontiveros na pabuksang muli sa Senado ang imbestigasyon ukol sa umano’y maanumalyang transaksyon ng gobyerno sa Pharmally Pharmaceutical Corporation.

Sabi ni Hontiveros, very willing siya na maghain ng resolusyon para rito sa pagpasok ng ika-19 na kongreso.

Pahayag ito ni Hontiveros makaraang hindi maihain sa plenaryo bago magsara ang session kahapon ng committee report kung saan inirerekomenda na kasuhan ang mga opisyal Pharmally at ng Department of Budget ang Management Procurement Service.


Sa draft report ay inirerekomenda din na kasuhan sina health secretary Francisco Duque at Pangulong Rodrigo Duterte pero hindi iyon naiprisinta sa plenaryo dahil kulang sa lagda ng mga senador na miyembro ng Senate Blue Ribbon Committee.

Para kay Hontiveros, masyadong mahalaga para lang maiwang bitin at maimbak lang sa Senado ang resulta ng imbestigasyon na pinangunahan ni Sen. Richard Gordon.

Diin ni Hontiveros, tatayuan nya ang findings ng committee lalo na ang umano’y pagiging overpriced ng biniling pandemic supplies ng pamahalaan sa Pharmally.

Facebook Comments