59 PERSONALIDAD, NADAKIP SA 1-DAY SACLEO NG PNP ISABELA

20
Cauayan City, Isabela- Umabot sa limampu’t siyam (59) na personalidad ang naaresto ng mga awtoridad sa isinagawang 1-Day Synchronized Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) ng Isabela Police Provincial Office noong May 30, 2022.

28 indibidwal na wanted sa batas ang inaresto kung saan tatlo sa mga suspek ay Top Most Wanted Person Municipal Level dahil sa tatlong counts ng Panggagahasa at Swindling o Estafa mula sa mga bayan ng Roxas, Cordon at Alicia, Isabela.

Nagresulta naman ng pagkaaresto ng 30 personalidad dahil sa Illegal Gambling o Pagsusugal kung saan nakakumpiska ng mahigit P5,000 bet money habang ang isang indibidwal naman ang inaresto dahil sa paglabag sa Omnibus Election Code sa City of Ilagan.

Sa kampanya kontra loose firearms, ipinasakamay sa PNP ang nasa 12 na ibat ibang uri ng armas; 4 na rifle grenades at isang chainsaw na walang serial number.

Samantala, sa implementasyon ng Traffic Laws at Ordinances, nasa 379 na violators ang nabigyan ng citation ticket ng LGU at LTO mula sa 110 operasyong isinagawa ng mga otoridad.

Facebook Comments