Ngayong patuloy ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo ay nagtatanong si Senator Koko Pimentel kung ano ang ginagawa ni Secretary Alfonso Cusi bilang pinuno ng Department of Energy o DOE.
Sabi ni Pimentel, mukhang abala sa politika si Cusi ngayong panahon ng eleksyon at tila hindi alam ang kanyang trabaho.
Binigyang diin ng senador na ang langis ay “energy matter” o ukol sa enerhiya kaya dapat ay si Secretary Cusi ang puspusang humahanap ng solusyon para maibsan ang epekto nito sa bansa.
Mungkahi ni Pimentel sa DOE, tugunan ang mataas ng presyo ng langis at tiyakin na sapat ang suplay ng kuryente sa panahon ng tag-init at sa araw ng halalan sa Mayo.
Facebook Comments