800 BRO-ED SCHOLARS SA ANGADANAN, NAKATANGGAP NG TULONG PINANSYAL

Cauayan City, Isabela- Aabot sa 873 na mga BRO-Ed scholars ang nabigyan na ng tulong pinansyal at bigas sa bayan ng Angadanan, Isabela.

Bukod dito, tumanggap rin ang mga BRO-ed scholars ng karagdagang pera na papremyo mula sa LPGMA Partylist.
Personal namang dumalo sa naturang distribusyon sina Mayor Charlton L. Uy ng Cabatuan, ilang miyembro ng Sangguniang Panlalawigan na kinabibilangan nina Ramon Juan N. Reyes ng 3rd District, Alfredo V. Alili ng 6th District at Adrian Philip S. Baysac-Sectoral Representative para sa agrikultura at Mayor Joelle Mathea S. Panganiban at iba pang mga lokal na opisyales.

Pinuri naman ni Mayor Uy ang ginagawang pagsisikap ng mga provincial leaders para makapagbigay ng suporta at magandang edukasyon sa mga Isabeleños.

Facebook Comments