Isang senador, hinikayat ang mga pinoy sa ibayong-dagat na huwag palampasin ang karapatang bomoto

Pinaalalahanan ni Senator Cynthia Villar  ang mga Pilipinong naninirahan at nagtratrabaho sa ibang bansa na gamitin ang kanilang  karapatang bumoto.

 

Ang paalala ni Villar ay kasabay ng pagbubukas ng isang buwang overseas absentee voting sa 85 Philippine posts sa mga bansa sa buong mundo.

 

Iginiit ni  Villar na napakalaki ng ambag sa ekonomiya ng bansa ng mga overseas Filipino workers kaya hindi dapat masayang ang pagkakataon nilang lumahok sa paghalal sa  kanilang mga pinuno at policy makers.


 

Pinuri din ni Villar ang report ulat sa tumataas na bilang ng mga Pilipinong nasa ibang bansa na lumalahok sa overseas absentee voting.

 

Ito ay makaraang ihayag ng Comelec Overseas Voting Office na may umabot sa 1.8 million ang registered voters sa OAV.

 

Ayon sa Comelec, ang pinakamarami rito ay matatagpuan sa Middle East at African Region na sinundan ng North and Latin American Regions, Asia Pacific Region at  European Region.

Facebook Comments