Jobless na Lalaki, Huli sa Buy Bust!

32

*City of Ilagan, Isabela-* Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang isang lalaki matapos matimbog sa pagtutulak ng droga sa Acacia St., Brgy Baligatan, City of Ilagan, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Anthony Monterico, 37 anyos, residente ng Brgy. Osmeña, City of Ilagan, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 RMN Cauayan, nahulog sa inilatag na drug buy bust operation ng mga otoridad si Monterico matapos nitong bentahan ng isang sachet ng hinihinalang shabu ang isang police poseur buyer.

Habang isinasailalim sa body search ang suspek ay nakuha sa pag-iingat nito ang isang unit ng cellphone.

Nasa kustodiya na ng Ilagan City Police Station ang suspek na mahaharap sa kaukulang kaso.

Facebook Comments