Isang senador, iginiit sa pamahalaan na huwag idaan sa pautang ang pagtulong sa mga biktima ng bulkang Taal

Pantawid upa at pantawid sahod ang kailangan ng mga biktima ng pagsabog ng bulkang Taal.

 

Giit ni Senator Risa Hontiveros, bigyan ng tig 30-thousand pesos na tulong ang mga biktima ng kalamidad sa halip na ibaon sa utang.

 

Ayon kay Hontiveros, pwedeng gawan ng paraan ng mga kinauukulang ahensya tulad ng Department of Social Welfare and Development ang nasabing tulong pinansyal sa mga naapektuhan ng kalamidad.


 

Paliwanag ni Hontiveros, mapupunan o maibabalik naman ang salaping ilalabas ng mga ahensya ng pamahalaan sa oras na mapagbigyan ang 30-billion pesos na supplemental budget na hinihingi ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Si Senator Hontiveros ay nauna ng bumisita sa mga apektado ng Taal volcano eruption sa batangas na namamalagi sa mga evacuation centers sa mataas na Kahoy Elementary School at Malvar Senior High School.

 

Facebook Comments