Pulis na akusado sa Maguindanao Massacre sumuko sa PNP CIDG sa Maguindanao

 

 

Kusang loob na sumuko sa PNP CIDG Regional field Unit sa Pagalungan Maguindanao ang isang pulis na akusado sa nangyaring 2009 Maguindanao Massacre.

 

Ayon kay PNP CIDG Spokesperson Police Lt Col Grace Madayag, ang sumukong suspek ay kinilalang si Police Officer 1 Ysmael Baraquir.

 

Aniya sumuko ito alas 7:23 ng gabi kagabi sa Brgy. Linandangan Pagalungan Maguindanao.


 

Si Baraquir ay may warrant of arrest dahil sa kasong 56 counts of murder kaugnay sa Maguindanao Massacre noong taong 2009.

 

Sinabi naman ni CIDG Acting Director, Police Brig Gen Joel Napoleon Coronel na si Baraquir ay kasama rin sa National Level Most Wanted Persons.

Facebook Comments