Isang senador, kumbinsidong kwalipikado rin na maging Senate President si Congresswoman Legarda

Kumbinsido si Senate President Pro tempore Ralph Recto na isa ang nagbabalik sa Senado na si Deputy Speaker Loren Legarda sa mga kwalipikadong maging Senate President ng 19th Congress.

Reaksyon ito ni Recto sa mga gumigiit na si Legarda ay akmang mamuno sa Senate president dahil sya ay pinaka- senior sa magiging bagong komposisyon ng Senado bilang three term senator, natatanging babaeng senador na naging majority leader, naging chairman ng senate committee on finance at dalawang beses na nag number one sa senatorial elections.

Wala namang pahayag si Legarda kung interesado siya na maging Senate president sa harap na mga paniniwala na siya ang pinaka-angkop sa posisyon dahil siya ay matalino, may karisma, may leadership at masipag magtrabaho.


Si Legarda rin ay kinikilala at respetado ng iba’t ibat sektor sa bansa at maging sa buong mundo dahil sa kaniyang adbokasiya ukol sa pangangalaga sa kapaligiran at disaster preparedness.

Bukod kay Legarda ay mayroon ding impormasyon na posible umanong maging susunod na Senate president si Senator Cynthia Villar habang Senate President Pro Tempore naman si Senator Imee Marcos at mananatiling majority leader si Senator Juan Miguel Zubiri na maari ring maging pangulo ng Senado.

Facebook Comments