MANILA – Ibinabala ngayon ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto na posibleng maharap ang pilipinas sa pambansang krisis ang Pilipinas dahil sa tagtuyot o el nino phenomenon.Ito ayon kay Recto ay kung hindi agarang ilalabas ng pamahalaan ang P3.9-bilyong pisong Calamity Fund at P6.7-bilyong Quick Response Fund (QRF) para makaabot sa mga probinsyang apektado ng El Niño.Ang babala ni recto ay makaraang ianunsyo ng PAGASA na may 30 probinsya ang nahaharap sa grabeng tagtuyot na dala ng El Niño ngayong Abril.Giit ni recto sa malakanyang, huwag ng hintayin ang mga probinsya na mag-deklara ng state of calamity bago ilabas ang pondo, at huwag na ring hintayin na dumami pa ang insidente tulad ng nangyari sa Kidapawan kung saan ngkilos protesta ang mga magsasaka at tatlo sa mga ito ang nasawi sa marahas na dispersal ng mga otoridad at marami ang nasugatan.Tanong ni Recto sa gobyerno, kung hindi ilalabas ngayon ang pondo ay Aanhin pa ito kung nandyan na ang kalamidad?
Isang Senador, Nagbanta Ng National Crisis Kaugnay Sa Tagtuyot
Facebook Comments