Isang senador, naniniwala na walang katotohanan ang bantang giyera ni Misuari

Manila, Philippines – Hindi naniniwala si Senator Antonio Trillanes IV na nagbabanta ng giyera si Moro National Liberation Front o MNLF founding Chairman Nur MisuariĀ  kapag hindi napalitan ng federalism ang kasalukuyang porma ng gobyerno.

Sa tingin ni Trillanes ay pakana lang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nabanggit na pahayag ni Misuari.

Paliwanag ni Trillanes, Palagi Naman Umanong Nagsisinungaling Si Pangulong duterte.


Ayon kay Trillanes, ginagawa ito ni Pangulong Duterte para maitulak ang gusto niyang mangyari tulad ng isinusulong niyang pederalismo.

Facebook Comments