Isang senador sa Estados Unidos, nag-courtesy call kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. 

Nasa bansa ngayon si Senator Tammy Duckworth mula sa Estados Unidos at nagsagawa ng courtesy call kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa palasyo ng Malacañang.

Batay sa ulat ng Palasyo, napag-usapan nina Pangulong Marcos Jr. at US Senator Duckworth ang patungkol sa isinusulong na paggamit ng renewable energy na mahalaga sa Pilipinas dahil sa naging epekto ng climate change at pandemya sa world economy.

Natalakay rin ayon sa Palasyo, ang pagkilala ng Amerikanong senador sa galing ng mga Pilipino sa pagsasalita ng English language.


Si Senator Duckworth ay isang Iraq war veteran, Purple Heart recipient at dating Assistant Secretary ng United States Department of Veterans Affairs.

Siya ay nagsilbing kauna-unahang babaeng army women sa isang fly combat missions noong isinagawa ang Operation Iraqi Freedom.

Nagsilbi siya sa Reserve Forces ng 23 taon at nagretiro na may ranggong Lieutenant Colonel noong 2014 bago naihalal bilang US Senator na kumakatawan sa Illinois’s Eight Congressional District ng U.S. House of Representatives para sa dalawang termino.

Facebook Comments