Isang senador, umapela sa incoming economic managers na agad pag-aralan ang work-from-home set-up sa BPO

Ngayon pa lang ay ipinapaalala na ni Senator Risa Hontiveros sa mga incoming na economic managers ng bansa sa dapat nilang masolusyunan agad ang issue tungkol sa work-from-home setup sa Information Technology-Business Process Management (IT-BPM) sector.

Matatandaan na ang “return to on-site work” announcement noong Marso ay nagdulot ng kaguluhan sa mga business process outsourcing o BPO workers.

Diin ni Hontiveros, hindi ito gusto ng mga manggagawa dahil napapagastos sila ng mas malaki kapag kinakailangan silang mag-report on-site at nagdudulot din ng pagkabahala sa mga mamumuhunan at international clients.


Binanggit ni Hontiveros na sa ngayon ay wala pang pinal na desisyon kung papayagan ang BPO sector at mga Registered Business Enterprises na pangmatagalan nilang maipagpatuloy ang kanilang work-from-home setup.

Giit ni Hontiveros, naging produktibo sa work-from-home setup ang mga BPO workers at malaking tulong din sa budget nila sa pang-araw-araw kung ipagpapatuloy ito.

Umaasa si Hontiveros na papakinggan ng papasok na economic team ang mga manggagawa upang hindi naman maging paatras ang ating labor laws o tax laws na pipilitin talagang bumalik sa pre-pandemic working conditions.

Facebook Comments