Isang sibilyan patay, isa sugatan matapos tamaan ng ligaw na bala sa Marawi City

Marawi City – Patay ang isang trabahador ng Civil Service Commission habang sugatan ang isa pa matapos tamaan ng ligaw na bala sa labas ng Mindanao State University (MSU) sa Barangay Cadayunon, Marawi City.

Ito ang kinumpirma ni Colonel Romeo Brawner, deputy ng Task Force Marawi.

Aniya, naganap ang insidente kaninang pasado alas nuwebe ng umaga.


Kinilala ang nasawi na si Marvin Ablando na tinamaan ng ligaw na bala sa ulo habang sugatan naman si Zandra Arnica Uzman na nadaplisan ng bala sa ulo.

Nasa loob ng sasakyan ang dalawa at pababa ng MSU nang mataaan ng ligaw na bala.

Isinugod ang dalawa sa Amai Pakpak Hospitals sa Marawi City.

Sa ngayon hindi pa matukoy ng kanilang hanay kung anong uri ng bala ang tumama sa dalawa.

Facebook Comments