Panghimagas – Ang simbahang Nossa Senhora de Consolação, sa Sao Paolo, Brazil ang laging pinapasok ng mga kalapati tuwing nagmimisa at ito’y nakaka gulo sa loob nito dahil sa ito ay maiingay at nag-iiwan pa ng kanilang mga balahibo at dumi na araw-araw ay kailanagn linisin bago magsimula at pagkatapos ng misa.
Kaya naman nakaisip sila ng paraan kung paano reresolbahan ang problemang ito, at sa tulong ng color painted circle bulls eyes na nakalagay sa pinto at bintana sa palibot ng simabhan, nahi-hypnotize nito ang mga kalapati para hindi makapasok sa loob ng simbahan.
Ayon sa ornithopathology professor ng Anhanguera University na si Thiago Dantas, nakatulong ito sa simbahan dahil ang mga ibong ito ay naaapektuhan sa kulay at disenyo na dahilan ng pagkaalibadbad sa larawan.
Noong nakarang buwan isang professor na Japanese ang naglagay ng “crows do not enter” na sign para makaiwas ang mga ibon sa building at napatunayang ito ay epektibo.
Isang simabahan sa Brazil, nakahanap ng paraan para umiwas ang mga kalapati sa pagpasok dito
Facebook Comments