Target gawing maliwanag ang mga barangay roads at ilang eskinita na sakop ng Sitio Lomboy, Guiset Norte, San Manuel para sa kaligtasan ng mga residente.
Sa naturang lugar ilalaan ng lokal na pamahalaan 90 piraso ng solar-powered street lights mula sa isang pribadong kumpanya.
Makakatulong din ang pailaw sa pagmamando ng mga awtoridad sa mga komunidad na malapit sa ilog, lalo at isa ang barangay sa dinadaluyan ng Agno River.
Ayon sa pamahalaan, isa lamang ang Sitio Lomboy sa mga lugar na nais pang bigyan ng sapat na pailaw na makakatulong upang bantayan ang seguridad ng mga residente partikular tuwing gabi.
Sa ilalim din ng proyekto, planong isulong ang paggamit ng renewable energy upang makatipid sa konsumo sa kuryente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









