Ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of the Interior and Local Government (DILG) at sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagtake-over nito sa pamamahagi ng ayuda sa mga Pilipino.
Ito ay matapos magkulang ang ginagawang pagsisikap ng isang Local Government Unit (LGUs) sa pamamahagi ng ayuda dahil hindi naging organisado ang distribusyon.
Sa Talk to the People ng Pangulo kagabi, sinabi nito na mayroong isang siyudad sa Metro Manila ang walang alam at hindi marunong mag-organisa ng pamamahagi ng ayuda.
Bagama’t hindi pinangalanan, tinanggal na dito ang kapangyarihang makapagpamahagi at ibinigay sa DILG at DSWD.
Aabot sa 11 milyong mga residente sa National Capital Region (NCR) ang nakatakdang tumanggap ng ayuda mula sa gobyerno na magsisimula bukas (August 11).